Add parallel Print Page Options

10 Hindi ka ba sumasampalataya na ako ay nananahan sa Ama at ang Ama ay nananahan sa akin? Ang mga salitang sinasabi ko sa inyo ay hindi ko sinasabi sa ganang aking sarili. Ang Ama na nananahan sa akin, siya ang gumagawa ng mga gawain. 11 Sampalatayanan mo ako na ako ay sumasa Ama at ang Ama ay sumasa akin. Ngunit kung hindi, sumampalataya ka sa akin dahil sa mga gawa. 12 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Siya na sumasampalataya sa akin ay gagawa rin ng mga gawang ginagawa ko. Higit na dakilang mga gawa kaysa sa mga ito ang gagawin niya sapagkat ako ay pupunta sa Ama.

Read full chapter