Add parallel Print Page Options

33 (A)Mga anak, sandali na lamang ninyo akong makakapiling. Hahanapin ninyo ako, at ang sinabi ko noon sa mga pinuno ng mga Judio ay sinasabi ko na sa inyo ngayon, ‘Hindi kayo makararating sa pupuntahan ko.’ 34 (B)Isang bagong utos ang ibinibigay ko: ibigin ninyo ang isa't isa. Tulad ng pag-ibig ko sa inyo, dapat din kayong umibig sa isa't isa. 35 Malalaman ng lahat na kayo'y aking mga alagad, kung kayo ay may pag-ibig sa isa't isa.”

Read full chapter