Add parallel Print Page Options

20 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Ang tumatanggap sa sinumang susuguin ko ay tuma­tanggap sa akin. Ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa kaniya na nagsugo sa akin.

21 Nang masabi na ito ni Jesus ay naligalig siya sa espiritu. Siya ay nagpatotoo at nagsabi: Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo: Isa sa inyo ay magkakanulo sa akin.

22 Kaya ang mga alagad ay nagtinginan sa isa’t isa, naguguluhan sila kung sino ang tinutukoy niya.

Read full chapter