Add parallel Print Page Options

26 Kung ang sinuman ay maglilingkod sa akin, hayaan siyang sumunod sa akin. Kung saan ako naroroon ay doroon din angaking tagapaglingkod. Kung ang sinuman ay naglilingkod sa akin, siya ay parara­ngalan ng aking Ama.

27 Ngayon ay nababalisa ang aking kaluluwa. Ano ang aking sasabihin? Ama, iligtas mo ako mula sa oras na ito. Subalit ito ang dahilan kung bakit ako narito sa oras na ito. 28 Ama, luwalhatiin mo ang iyong pangalan.

Nang magkagayon, may narinig silang tinig mula sa langit na nagsasabi: Niluwalhati ko na ito at muli kong luluwal­hatiin.

Read full chapter