Add parallel Print Page Options

19 Sinabi nga ng mga Fariseo sa kanilang sarili: Nakikita ninyo na wala kayong napapala. Narito, sumusunod na sa kaniya ang sanlibutan.

Ipinagpauna nang Sabihin ni Jesus ang Kaniyang Kamatayan

20 At may ilang mga Griyego na umahon, kasama noong mga pumaroon sa kapistahan, upang sumamba.

21 Sila nga ay lumapit kay Felipe na taga-Betsaida ng Galilea. Hiniling nila sa kaniya na sinasabi: Ginoo, nais naming makita si Jesus.

Read full chapter