Add parallel Print Page Options

15 Huwag kang matakot, anak na babae ng Sion! Narito, ang iyong hari ay dumarating. Siya ay nakasakay sa isang bisirong asno.

16 Sa simula ay hindi naunawaan ng kaniyang mga alagad ang mga bagay na ito. Subalit nang naluwalhati na si Jesus, saka nila naalala na ang mga bagay na ito ay isinulat patungkol sa kaniya. Naalala rin nila na ang mga bagay na ito ay ginawa nila sa kaniya.

17 Kaya nga, nagpatotoo nga ang maraming tao na nakasama niya nang kaniyang tawagin si Lazaro mula sa libingan at ibinangon mula sa mga patay.

Read full chapter