Add parallel Print Page Options

41 Unang hinanap ni Andres ang kanyang kapatid na si Simon. Sinabi niya rito, “Nakita na namin ang Mesiyas!” Ang kahulugan ng salitang ito'y Cristo. 42 At isinama ni Andres si Simon kay Jesus.

Tiningnan ni Jesus si Simon at sinabi sa kanya, “Ikaw ay si Simon na anak ni Juan. Ikaw ay tatawaging Cefas”[a] (na ang katumbas ay Pedro[b]).

Ang Pagkatawag kina Felipe at Nathanael

43 Kinabukasan, minabuti ni Jesus na pumunta sa Galilea. Nakita niya roon si Felipe at sinabi ni Jesus sa kanya, “Sumunod ka sa akin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 1:42 CEFAS: Sa wikang Aramaico, ang kahulugan ng salitang ito ay “bato”.
  2. Juan 1:42 PEDRO: Sa wikang Griego, ang kahulugan ng salitang ito ay “bato”.