Add parallel Print Page Options

41 Una niyang hinanap ang kapatid niyang si Simon at sinabi niya sa kanya, “Natagpuan na namin ang Mesiyas” (na ang katumbas ay Cristo). 42 Siya'y dinala niya kay Jesus. Tumingin si Jesus sa kanya at sinabi, “Ikaw si Simon na anak ni Juan. Ang itatawag na sa iyo ay Cefas[a] ”(na ang katumbas ay Pedro).

Si Felipe at Nathanael

43 Kinabukasan, nagpasya si Jesus na magpunta sa Galilea. Doon ay natagpuan niya si Felipe at sinabi rito, “Sumunod ka sa akin.”

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 1:42 Cefas salitang Aramaiko na ang kahulugan ay bato.