Add parallel Print Page Options

17 Ito ay sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Ang biyaya at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesucristo. 18 Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang naghayag sa kaniya.

Sinabi ni Juan Tagapagbawtismo na Hindi Siya ang Mesiyas

19 Ito ang patotoo ni Juan nang isugo sa kaniya ng mga Judio ang mga saserdote at mga Levita mula sa Jerusalem. Isinugo sa kaniya ang mga saserdote at mga Levita upang tanungin siya: Sino ka?

Read full chapter