Add parallel Print Page Options

16 Mula sa kaniyang kapuspusan ay tumanggap tayong lahat ng abut-abot na biyaya. 17 Ito ay sapagkat ang kautusan ay ibinigay sa pamamagitan ni Moises. Ang biyaya at ang katotohanan ay dumating sa pamamagitan ni Jesucristo. 18 Walang taong nakakita kailanman sa Diyos. Ang bugtong na Anak na nasa piling ng Ama ang naghayag sa kaniya.

Read full chapter