Add parallel Print Page Options

At kanilang sinabi kay Josue, “Kami ay iyong mga lingkod.” Sinabi naman ni Josue sa kanila, “Sino kayo at saan kayo galing?”

Sinabi nila sa kanya, “Mula sa napakalayong lupain ay dumating ang iyong mga lingkod dahil sa pangalan ng Panginoon mong Diyos, sapagkat aming nabalitaan ang kabantugan niya, at ang lahat niyang ginawa sa Ehipto,

10 at(A) lahat ng kanyang ginawa sa dalawang hari ng mga Amoreo, na nasa kabila ng Jordan, kay Sihon na hari ng Hesbon, at kay Og na hari ng Basan, na nasa Astarot.

Read full chapter