Add parallel Print Page Options

12 Tumawid din at nauna sa mga tao ang mga lalaking armado mula sa lahi nina Reuben, Gad at kalahating lahi ni Manase, ayon sa iniutos ni Moises sa kanila. 13 Ang 40,000 armadong lalaki ay dumaan sa presensya ng Panginoon[a] at pumunta sa Kapatagan ng Jerico para makipaglaban.

14 Nang araw na iyon, pinarangalan ng Panginoon si Josue sa harap ng mga Israelita. At iginalang si Josue ng mga tao sa buong buhay niya gaya ng ginawa ng mga tao kay Moises.

Read full chapter

Footnotes

  1. 4:13 presensya ng Panginoon: Maaring ang ibig sabihin, Kahon ng Kasunduan.