Add parallel Print Page Options

At(A) si Moises ay sumumpa nang araw na iyon, ‘Tunay na ang lupaing tinuntungan ng iyong paa ay magiging isang pamana sa iyo at sa iyong mga anak magpakailanman, sapagkat lubos kang sumunod sa Panginoon kong Diyos.’

10 At ngayon, gaya ng kanyang sinabi, iningatan akong buháy ng Panginoon, nitong apatnapu't limang taon, mula nang panahong sabihin ng Panginoon ang salitang ito kay Moises, samantalang lumalakad ang Israel sa ilang. Sa araw na ito ako'y walumpu't limang taong gulang na.

11 Gayunma'y malakas pa ako hanggang sa araw na ito na gaya ng araw na suguin ako ni Moises. Kung ano ang lakas ko noon, ay gayon ang lakas ko ngayon sa pakikidigma, at gayundin sa paglabas-pasok.

12 Ngayon nga'y ibigay mo sa akin ang lupaing maburol na ito na sinabi ng Panginoon nang araw na iyon; sapagkat nabalitaan mo nang araw na iyon kung paanong nariyan ang mga Anakim, na mga lunsod na malalaki at may pader; marahil ay sasamahan ako ng Panginoon, at maitataboy ko sila na gaya ng sinabi ng Panginoon.”

Read full chapter