Add parallel Print Page Options

Parurusahan ang mga Bansa

Sinabi ng Panginoon, “Sa panahong iyon na ibabalik ko ang mabuting kalagayan ng Juda at Jerusalem,[a] titipunin ko ang mga bansa at dadalhin ko sila sa Lambak ni Jehoshafat.[b] Doon ko sila hahatulan dahil sa kanilang ginawa sa mga Israelita na aking mamamayan na pag-aari ko. Pinangalat nila ang mga Israelita sa ibaʼt ibang bansa at pinaghati-hatian ang aking lupain. Nagpalabunutan sila para paghati-hatian ang aking mga mamamayan, at ipinagbili nila bilang alipin ang mga batang lalaki at babae, upang ibili ng alak at ibayad sa babaeng bayaran.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:1 ibabalik … Jerusalem: o, pababalikin ko ang mga mamamayan ng Juda at Jerusalem sa kanilang lupain mula sa pagkabihag.
  2. 3:2 Jehoshafat: Ang ibig sabihin, naghahatol ang Panginoon.