Add parallel Print Page Options

Ang(A) anyo nila ay parang anyo ng mga kabayo;
    at sila'y tumatakbong gaya ng mga kabayong pandigma.
Gaya ng rumaragasang karwahe
    ay lumulukso sila sa tuktok ng mga bundok,
gaya ng hugong ng liyab ng apoy
    na tumutupok sa dayami,
    gaya ng isang makapangyarihang hukbo na nakahanda sa labanan.

Sa kanilang harapan ay nagdadalamhati ang mga tao,
    lahat ng mukha ay namumutla.

Read full chapter