Menu
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
account
Share feedback on the new Bible Gateway
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo
Share feedback on the new Bible Gateway
  • Read
    • Reading Plans
    • Advanced Search
    • Available Versions
    • Audio Bibles
  • Study
    • Scripture Engagement
    • More Resources
  • Explore
    • Bible News
    • Newsletters
    • Devotionals
    • Bible Gateway App
    • Bible Audio App
  • Store
    • Bibles
    • Deals
    • More
  • Bible Gateway Plus
ABTAG2001
Version
Bible Books Bible Books
ABTAG2001
Version
Read
Study
Explore
Store
Bible Gateway Plus
Light Mode Dark Mode
Font Size
Log In show menu
Previous Next
PrintPrintSettingsSettingsShareShareParallelParallelExpandExpandCollapse

Job 8  Ang Biblia, 2001

Ang Unang Pagsasalita ni Bildad

8 Pagkatapos ay sumagot si Bildad na Suhita, at sinabi,

2 “Hanggang kailan mo sasabihin ang mga bagay na ito,
    at ang mga salita ng iyong bibig na gaya ng malakas na hangin?
3 Binabaluktot ba ng Diyos ang katarungan?
    O nililiko ba ng Makapangyarihan sa lahat ang matuwid?
4 Kung ang iyong mga anak ay nagkasala laban sa kanya,
    sa kapangyarihan ng kanilang pagsalangsang ay kanyang ibinigay sila.
5 Kung hahanapin mo ang Diyos,
    at dadaing ka sa Makapangyarihan sa lahat;
6 kung ikaw ay dalisay at matuwid;
    tiyak na gigising siya dahil sa iyo,
    at ibabalik ka sa iyong matuwid na tirahan.
7 At bagaman maliit ang iyong pasimula,
    ang iyong huling wakas ay magiging napakadakila.

8 “Sapagkat magsiyasat ka sa mga nagdaang panahon, hinihiling ko sa iyo,
    at isaalang-alang mo ang natuklasan ng mga ninuno;
9 sapagkat tayo'y sa kahapon lamang, at walang nalalaman,
    sapagkat ang ating mga araw sa lupa ay isang anino.
10 Hindi ka ba nila tuturuan, at sasabihin sa iyo,
    at bibigkas ng mga salita mula sa kanilang pang-unawa?
11 “Lalago ba ang yantok kung walang latian?
    Tutubo ba ang tambo kung walang tubig?
12 Habang namumukadkad pa at hindi pa pinuputol,
    una silang nalalanta kaysa alinmang halaman.
13 Gayon ang mga landas ng lahat ng lumilimot sa Diyos;
    ang pag-asa ng masamang tao ay maglalaho.
14 Ang kanyang pagtitiwala ay masisira,
    at sapot ng gagamba ang kanyang tiwala.
15 Siya'y sasandal sa kanyang bahay, ngunit ito'y hindi tatayo;
    siya'y hahawak dito, ngunit hindi ito magtatagal.
16 Siya'y nananariwa sa harap ng araw,
    at ang kanyang mga suwi ay sumisibol sa kanyang halamanan.
17 Ang kanyang mga ugat ay kumapit sa palibot ng bunton,
    kanyang minamasdan ang dako ng mga bato.
18 Kung siya'y nawasak sa kanyang kinalalagyan,
    kung magkagayo'y ikakaila siya nito, na sinasabi: ‘Hindi kita kailanman nakita.’
19 Tingnan mo, ito ang kagalakan ng landas niya;
    at mula sa lupa ay sisibol ang iba.

20 “Tingnan mo, hindi itatakuwil ng Diyos ang taong walang kapintasan,
    ni aalalayan man ang kamay ng mga gumagawa ng kasamaan.
21 Kanya namang pupunuin ng pagtawa ang iyong bibig,
    at ang iyong mga labi ng pagsigaw.
22 Silang napopoot sa iyo ay mabibihisan ng kahihiyan,
    at ang tolda ng masama ay mapaparam.”

Next
Job 7
Job 9
Next
dropdown
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001

Philippine Bible Society - Making the Bible Known
Bible Gateway Plus logo
Bible Gateway logo

Font Size

Font Size

Dark Mode

Light Mode Dark Mode

About

  • About
  • Learn About the Bible
  • Statement of Faith
  • Mobile App
  • Store
  • Blog
  • Newsroom
  • Support Us

Help

  • FAQs
  • Tutorials
  • Use Bible Gateway on Your Site
  • Advertise with us
  • Contact us
  • Privacy policy
  • California Privacy Rights
  • Do Not Sell My Personal Information
  • Site: Terms of use
  • Widget: Terms of use

Our Network

  • FaithGateway
  • StudyGateway
  • ChurchSource
  • HarperCollins Christian Publishing
  • Grupo Nelson
  • Editorial Vida
  • Thomas Nelson
  • WestBow Press
  • Zondervan
  • MasterLectures

Social

  • Facebook
  • Instagram
  • Pinterest
  • TikTok
  • X
  • YouTube

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences
Sign Up for Bible Gateway: News & Knowledge
Get weekly Bible news, info, reflections, and deals in your inbox.

By submitting your email address, you understand that you will receive email communications from Bible Gateway, operated by HarperCollins Christian Publishing, 501 Nelson Pl, Nashville, TN 37214 USA, including commercial communications and messages from partners of Bible Gateway. You may unsubscribe from Bible Gateway’s emails at any time. If you have any questions, please review our Privacy Policy or email us at privacy@biblegateway.com.

Preferences

  • Versión en español
  • Preferences