Add parallel Print Page Options

14 “Ang buhay ng tao ay maikli lamang at puno ng kahirapan. Ang katulad nito ay isang bulaklak, namumukadkad pero agad nalalanta. Katulad din ito ng aninong biglang nawawala. Kaya Panginoon, bakit kailangan nʼyo pang bantayan nang ganito ang tao? Gusto nʼyo pa ba siyang[a] hatulan sa inyong hukuman?

Read full chapter

Footnotes

  1. 14:3 siyang: Itoʼy nasa teksto ng Septuagint, Vulgate at Syriac. Sa Hebreo, akong.