Font Size
Job 1:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Job 1:1-3
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Sinubok ni Satanas si Job
1 May isang lalaking nakatira sa lupain ng Uz na nagngangalang Job. Siya'y isang mabuting tao, sumasamba sa Diyos at umiiwas sa masamang gawain. 2 Mayroon siyang pitong anak na lalaki at tatlong anak na babae. 3 Marami siyang tagapaglingkod at siya ang pinakamayaman sa buong silangan. Pitong libo ang kanyang tupa, tatlong libo ang kamelyo, sanlibo ang baka at limandaan ang asno.
Read full chapter