Add parallel Print Page Options

48 Kung(A) magkagayo'y ang langit at ang lupa,
    at lahat ng naroroon
ay aawit sa kagalakan dahil sa Babilonia;
    sapagkat ang mga mangwawasak ay darating laban sa kanila mula sa hilaga, sabi ng Panginoon.
49 Ang(B) Babilonia ay dapat bumagsak dahil sa pinaslang sa Israel,
    kung paanong ang mga pinaslang sa buong lupa ay nabuwal dahil sa Babilonia.

Ang Mensahe ng Diyos sa mga Israelita sa Babilonia

50 “Kayong nakatakas sa tabak,
    humayo kayo, huwag kayong magsitigil!
Alalahanin ninyo ang Panginoon mula sa malayo,
    at papasukin ninyo ang Jerusalem sa inyong pag-iisip:

Read full chapter