Add parallel Print Page Options

43 Nabalitaan na ng hari ng Babilonia ang tungkol sa kanila,
    at siya'y nanlupaypay;
    sinaklot siya ng pagkabalisa,
    at ng sakit na tulad ng nararamdaman ng isang babaing manganganak.

44 “Masdan mo, gaya ng isang leong lumalabas sa kagubatan ng Jordan upang sumalakay sa isang matibay na kulungan ng mga tupa, bigla ko silang itataboy. At pipili ako ng mangunguna sa bansa. Wala akong katulad. Wala akong kapantay. Walang haring makakalaban sa akin. 45 Kaya, pakinggan ninyo ang binabalak ni Yahweh laban sa Babilonia at sa mga mamamayan nito: Ang mga batang tupa sa kawan ay aagawin, masisindak sa mangyayari sa kanila ang kanilang mga pastol.

Read full chapter