Add parallel Print Page Options

43 Nabalitaan ito ng hari ng Babilonia at nanlupaypay siya. Nakaramdam siya ng takot at sakit katulad ng babaeng manganganak na.

44 “Bigla kong sasalakayin ang Babilonia katulad ng leon na galing sa kagubatan malapit sa Ilog ng Jordan, sasalakay patungo sa pastulan ng maraming tupa. Magsisitakas sila, at pipili ako ng taong mamamahala sa Babilonia. Sino ang maitutulad sa akin? Sino ang mangangahas na kalabanin ako? Sino ang pinunong makakalaban sa akin? 45 Kaya pakinggan mo ang balak kong gawin laban sa Babilonia. Kahit ang mga anak nilaʼy bibihagin at ang mga bahay nilaʼy gigibain.

Read full chapter