Add parallel Print Page Options

Ang Mensahe tungkol sa Edom

Ito ang sinabi ng Panginoong Makapangyarihan tungkol sa Edom:

“Nasaan na ang marurunong sa Teman? Wala na bang natitirang marunong magpayo? Kayong mga nakatira sa Dedan tumakas kayo at magtago sa malalalim na kweba. Sapagkat padadalhan ko ng kapahamakan ang mga lahi ni Esau sa oras na parusahan ko sila. Hindi baʼt ang mga namimitas ng ubas ay nag-iiwan ng mga bunga? Hindi baʼt ang mga magnanakaw ay kumukuha rin lang ng anumang magugustuhan nila?

Read full chapter