Add parallel Print Page Options

“Tingnan ninyo ang matataas na lugar kung saan kayo sumasamba sa inyong mga dios-diosan. May mga lugar pa ba roon na hindi ninyo dinungisan? Pinarumi ninyo ang lupain dahil sa kasamaan ninyo. Para kayong babaeng bayaran na nakaupo sa tabi ng daan at naghihintay ng lalaki. Tulad din kayo ng isang mapagsamantalang tao[a] na naghihintay ng mabibiktima niya sa ilang. Iyan ang dahilan kung bakit hindi umuulan sa panahon ng tag-ulan. Pero sa kabila nito, matigas pa rin ang ulo ninyo gaya ng babaeng bayaran na hindi na nahihiya. At ngayon sinasabi ninyo sa akin, ‘Ama ko, kayo po ay kasama[b] ko mula noong bata pa ako.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:2 mapagsamantalang tao: sa Hebreo, Arabo.
  2. 3:4 kasama: o, kaibigan.