Font Size
Jeremias 25:28-30
Magandang Balita Biblia
Jeremias 25:28-30
Magandang Balita Biblia
28 Kapag tinanggihan nila ang hawak mong alak, sasabihin mo sa kanila: ‘Sinasabi ni Yahweh na kailangang inumin ninyo ito. 29 Una kong paparusahan ang lunsod na tinawag sa aking pangalan; at paano kayo makakaligtas sa parusa? Hindi kayo makakaligtas sa parusa sapagkat padadalhan ko ng digmaan ang lahat ng naninirahan sa lupa. Akong si Yahweh ang nagsasabi nito.’
30 “Kaya sabihin mo sa kanila ang lahat ng aking sinabi:
‘Si Yahweh ay magsasalita mula sa kaitaasan,
mula sa kanyang banal na tahanan;
dadagundong ang kanyang tinig sa kalangitan,
at aalingawngaw sa buong daigdig gaya ng sigawan ng mga lalaking gumagawa sa pisaan ng ubas.
Magandang Balita Biblia (MBBTAG)
Magandang Balita Biblia, Copyright © Philippine Bible Society 2012.