Add parallel Print Page Options

Ang inang mawawalan ng pitong anak na lalaki
    ay mawawalan ng malay at hahabulin ang kanyang hininga.
Para sa kanya, magdidilim ang dating maliwanag
    dahil sa malaking kahihiyan at pagdaramdam.
Ang matitirang buháy ay pababayaan kong mamatay
    sa kamay ng kanilang mga kaaway.
Ako, si Yahweh, ang maysabi nito.”

Dumaing kay Yahweh si Jeremias

10 Napakahirap ng kalagayan ko! Bakit pa ba ako isinilang sa daigdig na ito? Lagi akong may kaaway at kalaban sa buong lupain. Hindi ako nagpautang, o kaya'y nangutang; gayunman, nilalait ako ng lahat. 11 Yahweh, mangyari nawa ang kanilang mga sumpa sa akin kung hindi kita pinaglingkurang mabuti, at kung hindi ako nakiusap sa iyo para sa aking mga kaaway nang sila'y naghihirap at naliligalig.

Read full chapter