Add parallel Print Page Options

12 At(A) ang kanilang mga bahay ay ibibigay sa iba,
    ang kanilang mga bukid at ang kanilang mga asawa na magkakasama,
sapagkat iuunat ko ang aking kamay
    laban sa mga naninirahan sa lupain,” sabi ng Panginoon.

13 “Sapagkat mula sa pinakamaliit sa kanila hanggang sa pinakamalaki sa kanila,
    ang bawat isa ay sakim sa pinagkakakitaan;
at mula sa propeta hanggang sa pari man,
    bawat isa'y gumagawang may panlilinlang.
14 Kanilang(B) pinagaling nang bahagya ang sugat ng aking bayan,
    na sinasabi, ‘Kapayapaan, kapayapaan’;
    gayong wala namang kapayapaan.
15 Sila ba'y nahiya dahil sa ginawa nilang karumaldumal?
    Hindi, kailanma'y hindi sila nahiya;
    kung paano mamula ang pisngi ay hindi nila alam.
Kaya't sila'y mabubuwal na kasama ng mga nabubuwal;
    sa panahon na akin silang parurusahan, sila'y babagsak,” sabi ng Panginoon.

Read full chapter