Add parallel Print Page Options

Ang Hatol sa Damasco

23 Tungkol(A) sa Damasco, ito naman ang sabi ni Yahweh: “Nagugulo ang Hamat at ang Arpad, sapagkat nakarinig sila ng masamang balita. Hindi sila mapalagay dahil sa pag-aalala, sila'y tila nag-aalimpuyong dagat. 24 Natakot ang Damasco at tumakas; sinaklot siya ng pangamba, gaya ng pagdaramdam ng isang babaing manganganak. 25 Napakalungkot ngayon ng bayang dati'y puspos ng galak at awitan, ang dating masayang bayan. 26 Kaya nga, mabubuwal sa kanyang lansangan ang mga binata, at magiging malamig na bangkay ang lahat ng kanyang mandirigma sa araw na iyon. 27 Tutupukin ko ang pader ng Damasco, maging ang mga palasyo ni Haring Ben-hadad.”

Read full chapter

Paghatol sa mga Karatig-bansa ng Israel

Sa Siria

Ganito(A) ang sabi ni Yahweh:
“Paulit-ulit na nagkasala ang mga taga-Damasco,
    kaya sila'y paparusahan ko.
Pinagmalupitan nila ang Gilead,
    dinurog nila ito sa giikang bakal.
Susunugin ko ang palasyo ni Hazael,
    at tutupukin ko ang mga tanggulan ni Ben-hadad.
Wawasakin ko ang pintuan ng Lunsod ng Damasco;
    pupuksain ko ang mga taga libis ng Aven,
pati ang may hawak ng setro sa Beth-eden;
    ang mga taga-Siria naman ay dadalhing-bihag sa Kir.”

Read full chapter

Ang Parusa sa mga Bansa sa Paligid

Ito(A) (B) ang ipinapasabi ni Yahweh: “Itinakda ko na ang parusa sa lupain ng Hadrac at sa lunsod ng Damasco. Ang mga lunsod ng Aram ay akin, kung paanong ang lahat ng lipi ni Israel ay akin.

Read full chapter