Add parallel Print Page Options

Sinabi ng Panginoon kay Isaias, “Isama mo ang anak mong si Shear Jashub[a] at salubungin ninyo si Ahaz sa dulo ng daluyan ng tubig na nasa itaas ng lugar na pinag-iimbakan ng tubig, malapit sa daan papunta sa pinaglalabahan. Ito ang sasabihin mo sa kanya, ‘Humanda ka! Pumanatag ka at huwag matakot. Huwag kang kabahan dahil sa tindi ng galit nina Haring Rezin ng Aram at Haring Peka na anak ni Remalia. Ang dalawang itoʼy parang mga tuod ng puno na umuusok pero walang apoy. Nagplano sila ng masama laban sa iyo. Nagkasundo sila at sinabi,

Read full chapter

Footnotes

  1. 7:3 Shear Jashub: Ang ibig sabihin, ang mga naiwan ay babalik.