Add parallel Print Page Options

15 “Sapagkat, ang Panginoon ay darating na may apoy,
    at ang kanyang mga karwahe ay gaya ng ipu-ipo;
upang igawad ang kanyang galit na may poot,
    at ang kanyang saway na may ningas ng apoy.
16 Sapagkat sa pamamagitan ng apoy ay ilalapat ng Panginoon ang hatol,
    at sa pamamagitan ng kanyang tabak sa lahat ng mga tao,
    at ang mapapatay ng Panginoon ay magiging marami.

17 “Silang nagpapakabanal, at nagpapakalinis upang pumaroon sa mga halamanan, na sumusunod sa nasa gitna, na kumakain ng laman ng baboy, ng kasuklamsuklam, at ng daga; sila'y sama-samang darating sa isang wakas, sabi ng Panginoon.

Read full chapter