Add parallel Print Page Options

Ang Parusa sa Pagmamatigas

65 Ako'y(A) nakahandang tumugon sa mga hindi nagtatanong sa akin.
    Ako'y nakahandang matagpuan noong mga naghahanap sa akin.
Aking sinabi, “Narito ako, narito ako,”
    sa isang bansa na hindi tumawag sa pangalan ko.
Iniunat(B) ko ang aking mga kamay buong araw
    sa mapaghimagsik na bayan,
na lumalakad sa hindi mabuting daan,
    na sumusunod sa kanilang sariling mga kalooban;
isang Bayan na lagi akong ginagalit nang mukhaan,
na naghahandog sa mga halamanan,
    at nagsusunog ng insenso sa ibabaw ng mga bato;

Read full chapter