Add parallel Print Page Options

16 Kanyang(A) nakita na walang tao,
    at namangha na walang sinumang mamamagitan;
kaya't ang kanyang sariling bisig ay nagdala ng tagumpay sa kanya,
    at ang kanyang katuwiran ay umalalay sa kanya.
17 At(B) bilang baluti ay nagsuot siya ng katuwiran,
    at sa kanyang ulo ay helmet ng kaligtasan;
siya'y nagdamit ng mga bihisan ng paghihiganti bilang kasuotan,
    at bilang balabal ang sarili ay binalutan ng sikap.
18 Ayon sa kanilang mga gawa, ay gayon niya gagantihin,
    poot sa kanyang mga kalaban, ganti sa kanyang mga kaaway;
    sa mga pulo ay ganti ang kanyang ipapataw.

Read full chapter