Add parallel Print Page Options

Sa tindi ng aking galit, sandali akong lumayo sa iyo,
    ngunit ipadarama ko sa iyo ang aking kahabagan sa pamamagitan ng pag-ibig na wagas.”
Iyan ang sabi ni Yahweh na magliligtas sa iyo.

“Noong(A) panahon ni Noe, ako ay sumumpang
    hindi na mauulit na ang mundong ito'y gunawin sa tubig.
Aking ipinapangako ngayon, hindi na ako magagalit sa iyo,
    at hindi na kita paparusahan muli.
10 Maguguho(B) ang mga bundok at ang mga burol ay mayayanig,
    ngunit ang wagas na pag-ibig ko'y hindi maglalaho,
    at mananatili ang kapayapaang aking ipinangako.”
Iyan ang sinasabi ni Yahweh, na nagmamahal sa iyo.

Read full chapter