Add parallel Print Page Options

Tayong(A) lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw;
    nagkanya-kanya tayo ng lakad.
Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya
    ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.

“Siya(B) (C) ay binugbog at pinahirapan,
    ngunit hindi kumibo kahit isang salita;
tulad ay tupang nakatakdang patayin,
parang korderong hindi tumututol kahit na gupitan,
    at hindi umiimik kahit kaunti man.
Nang siya'y hulihin at hatulan upang mamatay,
    wala man lamang nagtanggol sa kanyang kalagayan.
Siya ay pinatay dahil sa sala ng sangkatauhan.

Read full chapter