Add parallel Print Page Options

Tayong(A) lahat ay gaya ng mga tupang naligaw;
    bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan;
at ipinasan sa kanya ng Panginoon
    ang lahat nating kasamaan.

Siya'y(B) (C) inapi, at siya'y sinaktan,
    gayunma'y hindi niya ibinuka ang kanyang bibig;
gaya ng kordero na dinadala sa katayan,
    at gaya ng tupa na sa harapan ng mga manggugupit sa kanya ay pipi,
    kaya't hindi niya ibinuka ang kanyang bibig.
Sa pamamagitan ng pang-aapi at paghatol ay inilayo siya;
    at tungkol sa kanyang salinlahi,
na itinuring na siya'y itiniwalag sa lupain ng mga buháy,
    at sinaktan dahil sa pagsalangsang ng aking bayan.

Read full chapter