Font Size
Isaias 52:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 52:2-4
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
2 Malaya ka na, Jerusalem!
Tumindig ka mula sa kinauupuang alabok, at umupo sa iyong trono.
Kalagin mo ang taling nakagapos sa iyo!
3 Ito ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Ipinagbili kayo nang walang bayad, kaya tutubusin din kayo nang walang bayad.” 4 Ganito ang sabi ng Panginoong Yahweh: “Sa simula, ang mga hinirang ko'y nanirahan sa Egipto bilang mga dayuhan. Pagkatapos, inalipin kayo ng mga taga-Asiria na hindi man lamang binayaran.
Read full chapter