Add parallel Print Page Options

Malaya ka na, Jerusalem!
    Tumindig ka mula sa kinauupuang alabok, at umupo sa iyong trono.
Kalagin mo ang taling nakagapos sa iyo!

Ito ang sabi ni Yahweh sa kanyang bayan: “Ipinagbili kayo nang walang bayad, kaya tutubusin din kayo nang walang bayad.” Ganito ang sabi ng Panginoong Yahweh: “Sa simula, ang mga hinirang ko'y nanirahan sa Egipto bilang mga dayuhan. Pagkatapos, inalipin kayo ng mga taga-Asiria na hindi man lamang binayaran.

Read full chapter