Add parallel Print Page Options

21 At sasabihin mo sa iyong sarili, ‘Sino ang nanganak ng mga ito para sa akin? Namatay ang karamihan ng aking mga mamamayan,[a] at dahil doon akoʼy nagluksa. Ang iba sa kanila ay binihag at dinala sa ibang bansa, at nag-iisa na lamang ako. Kaya saan galing ang mga ito? Sino ang nag-alaga sa kanila?’ ”

22 Ito ang sinabi ng Panginoong Dios: “Sesenyasan ko ang mga bansa at ibabalik nila sa iyo ang iyong mga mamamayan na parang mga sanggol na kanilang kinalinga.[b] 23 Maglilingkod sa iyo ang mga hari at mga reyna. Sila ang mag-aalaga sa iyo. Luluhod sila sa iyo bilang paggalang, at magpapasakop sa iyo.[c] Sa ganoon malalaman mong ako ang Panginoon, at ang mga nagtitiwala sa akin ay hindi mabibigo.”

Read full chapter

Footnotes

  1. 49:21 mga mamamayan: sa literal, mga anak. Ganito rin sa talatang 22.
  2. 49:22 Silaʼy parang sanggol na kinakalinga dahil tutulungan sila ng mga taga-Persia sa kanilang pag-uwi.
  3. 49:23 magpapasakop sa iyo: sa literal, didilaan nila ang alikabok sa mga paa mo.