Add parallel Print Page Options

21 Hindi nʼyo ba alam o hindi ba ninyo napakinggan? Wala bang nagbalita sa inyo kung paano nilikha ang mundo? 22 Nilikha ito ng Dios na nakaupo sa kanyang trono sa itaas ng mundo. Sa paningin niya, ang mga tao sa ibaba ay parang mga tipaklong lamang. Iniladlad niya ang langit na parang kurtina, o parang isang tolda para matirhan. 23 Inaalis niya sa kapangyarihan ang mga pinuno ng mundo at ginagawang walang kwenta.

Read full chapter