Add parallel Print Page Options

11 Kanyang(A) pakakainin ang kanyang kawan na gaya ng pastol,
    kanyang titipunin ang mga kordero sa kanyang bisig,
at dadalhin sila sa kanyang kandungan,
    at maingat na papatnubayan iyong may mga anak.

12 Sino ang tumakal ng tubig sa palad ng kanyang kamay,
    at sumukat sa langit ng sa pamamagitan ng dangkal,
at nagsilid ng alabok ng lupa sa isang takal,
    at tumimbang ng mga bundok sa mga timbangan,
    at ng mga burol sa timbangan?
13 Sinong(B) pumatnubay sa Espiritu ng Panginoon,
    o bilang kanyang tagapayo ay nagturo sa kanya?

Read full chapter