Add parallel Print Page Options

Hinatulan ng Diyos ang Kanyang Bayan

13 Nakahanda na si Yahweh upang ibigay ang kanyang panig,
    nakatayo na siya upang hatulan ang kanyang bayan.[a]
14 Ipapataw na ni Yahweh ang kanyang hatol sa matatanda
    at mga pinuno ng kanyang bayan:
“Ubasan ng mahihirap inyong sinamsam,
    inyong mga tahanan puro nakaw ang laman.
15 Bakit ninyo inaapi ang aking bayan
    at sinisikil ang mahihirap?” Ito ang sabi ni Yahweh, ang Makapangyarihang Panginoon.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 3:13 kanyang bayan: Sa ibang manuskrito'y mga bansa .