Add parallel Print Page Options

13 Nakahanda na ang Panginoon para hatulan ang kanyang mga mamamayan.[a] 14 Hahatulan niya ang mga tagapamahala at mga pinuno ng mga mamamayan niya. Ito ang paratang niya sa kanila, “Sinira ninyo ang aking ubasan na siyang aking mga mamamayan. Ang mga bahay ninyo ay puno ng mga bagay na sinamsam ninyo sa mga mahihirap. 15 Bakit ninyo inaapi ang mga mamamayan ko at ginigipit ang mga mahihirap?” Iyan ang sinabi ng Panginoong Dios na Makapangyarihan.

Read full chapter

Footnotes

  1. 3:13 kanyang mga mamamayan: Ito ang nasa Septuagint at Syriac; pero sa Hebreo, mga tao.