Add parallel Print Page Options

Bulag at Mapagmalaki ang Israel

Magwalang-bahala kayo at mag-asal mangmang,
    bulagin ang sarili at nang hindi makakita!
Malasing kayo ngunit hindi sa alak,
    sumuray kayo kahit hindi nakainom.
10 Sapagkat(A) pinadalhan kayo ni Yahweh
    ng espiritu ng matinding antok;
tinakpan niya ang inyong mga mata, kayong mga propeta,
    tinakpan din niya ang inyong mga ulo, kayong mga manghuhula.

11 Ang kahulugan ng lahat ng pangitaing ito ay parang aklat na nakasara. Kung ipababasa mo ito sa taong nakakaunawa, ang sasabihin niya'y, “Ayoko, hindi ko mababasa sapagkat nakasara.”

Read full chapter