Add parallel Print Page Options

14 Kaya(A) muli akong gagawa
    ng kababalaghan sa harapan nila,
    mga bagay na kahanga-hanga at kataka-taka;
mawawalang-saysay ang karunungan ng kanilang mga matatalino,
    at maglalaho ang katalinuhan ng kanilang matatalino.”

Ang Pag-asa sa Hinaharap

15 Kaawa-awa ang mga nagtatago kay Yahweh habang sila'y gumagawa ng mga panukala.
    Sila na nagsasabing: “Doon kami sa gitna ng dilim
    upang walang makakakilala o makakakita sa amin!”
16 Binabaligtad(B) ninyo ang katotohanan!
Masasabi ba ng palayok sa gumagawa nito,
    “Hindi naman ikaw ang humugis sa akin;”
at masasabi ba ng nilikha sa lumikha sa kanya,
    “Hindi mo alam ang iyong ginagawa”?

Read full chapter