Add parallel Print Page Options

18 Magiging walang kabuluhan ang pakikipagkasundo ninyo sa kamatayan at ang pakikipagkasundo ninyo sa lugar ng mga patay. Sapagkat mapapahamak kayo kapag dumating na ang mga sakuna na parang baha. 19 Palagi itong darating sa inyo, araw-araw, sa umaga at sa gabi, at tiyak na mapapahamak kayo.”

Matatakot kayo kapag naunawaan ninyo ang mensaheng ito. 20 Sapagkat kayoʼy matutulad sa taong maiksi ang higaan at makitid ang kumot.[a]

Read full chapter

Footnotes

  1. 28:20 Sapagkat … ang kumot: Maaaring ang ibig sabihin, ang kasunduan ng Juda sa Egipto ay hindi makapagbigay ng tiyak na kaligtasan mula sa mga kaaway.