Add parallel Print Page Options

11 Iniunat ng Panginoon ang kanyang kamay sa dagat, at niyanig niya ang mga kaharian. Iniutos niyang wasakin ang mga kampo ng Fenicia[a] 12 Sinabi ng Panginoon, “Mga mamamayan[b] ng Sidon, tapos na ang maliligayang araw ninyo. Wasak na kayo! Kahit na tumakas kayo papuntang Cyprus, hindi pa rin kayo magkakaroon ng kapahingahan doon.”

13 Tingnan ninyo ang lupain ng mga taga-Babilonia.[c] Nasaan na ang mga mamamayan nito? Sinalakay ito ng Asiria at winasak ang matitibay na bahagi nito. Pinabayaan itong giba at naging tirahan ng maiilap na hayop.

Read full chapter

Footnotes

  1. 23:11 Fenicia: sa Hebreo, Canaan.
  2. 23:12 mamamayan: sa literal, birheng anak na babae.
  3. 23:13 taga-Babilonia: sa literal, Caldeo. Isa ito sa tawag sa mga taga-Babilonia.