Add parallel Print Page Options

22 Ibibigay(A) ko sa kanya ang susi ng sambahayan ni David;
walang makakapagsara ng anumang buksan niya,
at walang makakapagbukas ng anumang sarhan niya.
23 Itatayo ko siyang parang haligi ng tolda,
    itatayo ko nang matibay sa isang matatag na lugar,
    at siya'y magiging marangal na trono sa sambahayan ng kanyang ama.”

24 Sa kanya maaatang ang lahat ng kaluwalhatian ng sambahayan ng kanyang ama. Ang kanyang mga kamag-anak ay sa kanya aasa, parang mga sisidlan, mga kopa at palayok na nakasabit.

Read full chapter