Add parallel Print Page Options

Sumigaw ang bantay,[a]
“Maghapon po akong nasa tore.
Buong gabi'y nakabantay sa aking bantayan.”
Walang(A) anu-ano'y nagdatingan
    ang mga kawal na nakakabayo, dala-dalawa,
at nag-ulat ang bantay,
    “Bumagsak na! Bumagsak na ang Babilonia!
Nagkalat sa lansangan
    ang durug-durog niyang mga diyus-diyosan!”
10 Bayan ko, matagal nang ikaw ay tila trigong ginigiik,
    may magandang balita ako sa iyo mula kay Yahweh,
    ang Makapangyarihan sa lahat, ang Diyos ng Israel.

Read full chapter

Footnotes

  1. Isaias 21:8 bantay: Sa ibang manuskrito'y leon .