Add parallel Print Page Options

Sapagkat bibihagin ng hari ng Asiria ang mga taga-Egipto at mga taga-Etiopia,[a] bata man o matanda. Bibihagin sila nang hubad at nakayapak. Makikita ang kanilang puwit, at talaga ngang mapapahiya ang mga Egipcio. Ang mga umaasa sa Etiopia at ipinagmamalaki ang Egipto ay manlulupaypay at mapapahiya. Sa araw na mangyari iyon, sasabihin ng mga Filisteo,[b] ‘Tingnan ninyo ang nangyari sa mga bansang ating inaasahan at hinihingan ng tulong para tayoʼy maligtas sa hari ng Asiria. Paano na tayo maliligtas?’ ”

Read full chapter

Footnotes

  1. 20:4 taga-Etiopia: sa Hebreo, taga-Cush.
  2. 20:6 Filisteo: sa literal, naninirahan sa tabing-dagat.