Add parallel Print Page Options

31 Manangis kayo buong bayan, managhoy ang lahat ng mga lunsod ninyo;
    manginig kayo sa takot, Filistia.
Pumapailanlang ang alikabok mula sa dakong hilaga,
    sapagkat dumarating na ang matatapang na kawal.

32 Ano ang isasagot sa mga mensahero ng bansang iyon?
“Si Yahweh ang nagtatag ng Zion,
    at ang mga kawawang nagdurusa sa kanyang bayan,
    nakakasumpong ng matibay na tanggulan.”

Read full chapter