Font Size
Isaias 11:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
Isaias 11:11-13
Magandang Balita Biblia (with Deuterocanon)
11 Sa araw na iyon, muling kikilos ang Panginoon
upang pauwiin ang mga nalabi sa kanyang bayan na mga bihag sa Asiria, sa Egipto, sa Patros, sa Etiopia,[a] sa Elam,
sa Sinar, sa Hamat at sa mga pulo sa karagatan.
12 Magbibigay siya ng isang palatandaan sa mga bansa,
at titipunin niya ang mga anak nina Israel at Juda na itinapon sa ibang lupain.
Pauuwiin ang mga nangalat na anak ni Juda
mula sa apat na sulok ng daigdig.
13 Mapapawi na ang pagkainggit ng Israel,
at mapuputol na ang pagkamarahas ng Juda.
Hindi na maninibugho ang Israel sa Juda,
at hindi na kakalabanin ng Juda ang Israel.
Footnotes
- 11 ETIOPIA: Sa wikang Hebreo ay “Cus”; sakop ng lugar na ito ang mga kasalukuyang bansa ng Etiopia at Sudan.